|
 |
 |
|
The Christian Living Program seeks to promote an atmosphere
in the school where the students will be able to meet
Jesus Christ as brother and savior and Mary as Mother,
His closest follower and model of life in the Kingdom.
The Christian Living Area believes that their awareness
is important to the total growth and development of
the students as person gifted with new life and baptism
growing towards the fullness of life and contributing
his potentials in the service of others and his community.
Ang MAKABAYAN para sa Una, Ikalawa at Ikatlong Baitang
ay binubuo ng Sibika at Kultura na nagsisilbing batayang
aralin sa pagsasanib ng Musika, Sining at Edukasyon
sa Pagpapalakas ng Katawan. Ito ay pag-aaral ng pakikipag-ugnayan
ng tao sa lipunan at sa pamahalaan, ang kanyang mga
karapatan at bahaging ginagampanan, tungkulin at pananagutan
bilang mamamayan. Tumutukoy rin ito sa paglinang ng
mga pagpapahalagang moral at ispiritwal; pagkakaroon
ng kamalayan sa mga pamana ng lahi at malikhaing pagpapahayag
ng sariling damdamin sa Musika, Sining at Edukasyon
sa Pagpapalakas ng Katawan.
Sa Intermedya ang pokus ay Heograpiya (Geography), Kasaysayan
(History) at Sibika (Civics) o HEKASI. Binibigyang-diin
ang paglinang ng pagkamakatao at pagkamakabayang pag-uugali
ng mga Pilipino. Pagsisikapang ilagay sa murang isipan
ng mga mag-aaral sa elementarya ang tunay na pagkalinga
at pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa tungkulin at sa
sariling kultura.
Hinahangad din makalinang ng isang Pilipinong ipinagmamalaki
ang kanyang pagkakakilanlan, may pagpapahalagang moral
at ispiritwal at masigasig na makikiisa at makikipagtulungan
sa mga gawain sa tahanan, sa paaralan at sa pamayanan.
The Mathematics program aims to discover and translate
mathematical ideas and concepts into quantitative mathematical
skills. It consists of a sequential development of instructional
activities designed to help the students experience,
understand, appreciate and apply acquired basic mathematical
concepts in their daily life and give them a sound foundations
for a more complicated Math courses in high school.
Science and Health aims to help the Filipino child a
functional understanding of science concepts and principles
linked with real life situations, acquire science skills
as well as scientific attitudes and values needed in
solving everyday problems. These pertain to health and
sanitation, food production, and the environment and
its conservation.
There is no Science and Health for Grades I and II but
simple science and health concepts which include the
child’s interaction to his immediate environment
are contents of English. Likewise process skills may
be developed in Makabayan subject like Sibika at Kultura.
Teaching Science and Health formally starts in Grade
III.
English as a subject is concerned with developing competence
in listening, speaking, reading and writing. Listening
is an information-processing act which includes skills
in auditory discrimination and cognitive comprehension.
Speaking includes skills in using language expression
and grammatical structures correctly in oral communication.
Reading includes skills for vocabulary development,
comprehension skills, literary appreciation, study skills,
critical analysis and application. Writing includes
readiness skills, mechanics, guides in writing, functional,
and creative writing.
Science and Health concepts may be used in English especially
for Grades I and II, but not to the extent of neglecting
the content in the English books for the grade. Grade
III is considered the threshold of reading. Thus, at
the end of the third grade, every child is expected
to be a functional / successful reader.
Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan
sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip.
Saklaw ng mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis
at mabisang pang-unawa. Sa pagsasalita naman, nahahasa
ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga paghayag at istrukturang
panggramatiko. Sa kasanayan sa pagbasa nalilinang ang
husay sa pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa
mga salita, pag-unawa at kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik.
At sa pagsulat napagaganda ang ayos ng sulat-kamay,
naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at kasiya-siyang
kaayusang pansulatin.
Konsepto ng Sibika at Kultura ang nilalaman ng Filipino
sa Una hanggang Ikatlong Baitang. Inaasahang ang mga
batayang kasanayan sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan
sa tatlong unang baitang.
Ang pag-aaral ng MSEP sa paaralang Elementarya ay inihanda
batay sa mga layunin ng makabagong sistema ng edukasyon
mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa hangaring
makahubog ng mag-aaral sa aspetong Pisikal, Emosyonal,
Pangkaisipan, Pakikihalubilo at Pangkultura. Bibigyan
diin ang kahalagahang pangkatauhan upang makatulong
sa paghubog ng isang tunay na mamamayang Pilipino na
magsisilbing gabay upang maging kapaki-pakinabang na
kasapi ng pamilya, pamayanan, bansa at sandaigdigan.
Sa Edukasyong Pangkatawan, ang mga bata ay inaasahang
makapagtamo ng kaukulang antas ng kaangkupang pisikal
sa pamamagitan ng mga gawaing pangkatawan.
Ang Musika ay nagbibigay ng kasiya-siya at kapaki-pakinabang
na karanasan sa mga bata sa pamamagitan ng pag-aaral
ng iba’t ibang elemento ng Musika upang magamit
sa mabisang pamumuhay.
Sa Sining ang mga mag-aaral ay nakakapagpakita ng kakayahan
sa paggamit ng kaalaman sa sining sa pang-araw-araw
na gawain, naipapahayag ang sariling kaisipan at pagkamalikhain
at mapahalagahan ang mga pamanang sining ng bansa.
Ang pag-aaral ng EPP sa Elementarya ay binubuo ng apat
na kaisipang ibinatay sa mga kasanayan sa pagkatuto
na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ito
ay binubuo ng mga kaalaman sa Pantaong Kaunlaran at
ang Pamilya, Pagkain at Nutrisyon, Wastong Pananahi,
Pananamit at Mabikas na Sarili na may pagsasanib sa
mga asignaturang Agrikultura, Sining Pang-industriya,
at tinging Tindahan. Idinagdag din sa programa ang kaalaman
sa Komputer na itinuturo mula sa Ikatlo hanggang sa
Ika-anim na baitang.
Ang mga batang mag-aaral na babae at lalaki ay natututong
gamitin ang mga batayang kasanayan upang umunlad ang
konseptong Sikolohiya ukol sa paggawa, maayos na paggamit
ng likas na yaman, makabagong teknolohiya at wastong
pag-uugali tungo sa paghubog ng isang kapakipakinabang
na Marian upang maging responsableng miyembro ng pamilya,
komunidad at ng bansa.
|
|